Valentine’s Day na naman bukas. Masaya na naman ang mga taong in love at love din sila in return. Pero for sure mas masaya ang mga flower vendors, nagbebenta ng chokolate, restaurant owners, nag bebenta ng plastic na roses at kung anu-ano pang abubot pang Valentine’s, mga botica kasi dadami ang sales ng condom at of course sasaya din ang mga motels, lodging houses pati na rin ang mga roomboy dahil makadami ng tip.
Dahil araw nga ng mga puso, makiki-uso na rin ako kahit sa Skype lang ako magde-date at digital roses lang matatangap ko. Ito ang mga jokes at punchlines suited para sa Valentines Day, na kinoleksyon ko mula sa dating tambayan, sa dyaryo na pinagbalutan ng tinapa, mula sa text ng mga nilalang mula sa kabilang mundo.
Para ito sa mga taong inlove at love din sila in return, inlove pero “M.U.” “Exclusively Dating” o kaya “It’s Complicated” ang relationship status, inlove pero hanggang friends lang talaga, inlove pero tinatago sa taong mahal nila, inlove pero bawal dahil committed na sa iba, inlove pero na-basted, inlove pero kaka-break lang, inlove daw pero marami palang “loves”, bitter dahil inlove pa pala kay ex, at sa mga gustong mainlove and waiting for “the right one”. Eton na ang mga kakalukey na punchlines for valentines… (ka-ganda ng rhyme)
Sumbong kita sa pulis!
Ninakaw mo kase puso ko eh.
Isda ka ba?
Natinik mo kac puso ko eh.
“Alam mo ba para kang dyaryo? Kasi nabalitaan ko na mahal pala kita”
Tansan ka ba?
Kasi your always at the top of my mind.
Para kang wallet ko…
Ayoko kasi mawala ka sa buhay ko.
Kulangot ka ba?
Kasi you make my world round.
Boy: ahhm… miss sana bumbay ka nalang
Girl: Bakit???
Boy: Para balik-balikan mo ako
Lotto kah bah ??
Kasi hanggang ngayon kasi umaasa parin ako sayo eh.
[Basahin ang Karugtong]