You are here: Home > Etchos and Everything > The Parable of Foot Spa

The Parable of Foot Spa

Ninayaya ako ng friend ko lately na magpa-footspa, bagong payout kasi ang Lola kaya bonggang-bonga pampering ang trip. Hindi ako sumama kasi kuripot ako at mahina ang patak ng dollar sa batcave kaya tipid-tipid muna ang ninang nyo. Saka nalang ang mga kaartehan na yan ‘pag medyo madami-dami na uli ang ginto sa kweba.

Pero, alam nyo ba kung sino ang nag-imbento ng foot spa? Kung saan ito nagsimula at kung kailan?

Sa ating pagkaka-alam ang foot spa ay isang makabagong gimik sa ating maarte at makabagong mundo. Kamakailan lang aking na-discover na ang foot spa pala ay isang banal na tradition, yep, as in holy tradition talaga na nagsimula pa noong panahon ni Hesu-Kristo.

Ayaw mong maniwala? Eto ang proof, tingnan ang piktyur at basahin ang dialog ng mga distinguish disciples ni Jesus.

Parable of Foot Spa

Juan: Dude, ano ba yang gimik-gimik ni bosing na hinuhugasan nya paa natin?

Pedro: Ano ka ba, dude! ‘Wag mo nalang paki-alaman ang raket ni bosing. Darating ang araw at sisikat ang gimik na yan.

Juan: Really….huh!? (Sabay taas kilay)

Pedro: Mark my word dude. Pagdating ng araw tatawagin yan na FOOT SPA.

Tomas: Owws!!! Di nga…!!! (As usual, doubting na naman)

Mateo: Shut up dude. You’re distracting the boss. (Dating call center agent kaya panay ang pasikat sa englisan)

Disclaimer: Ang kwento na ito ay hindi hango sa totoong buhay. Ito ay bunga nang aking walang kwentang pag-iisip at pawang kasinungalingan lamang… :)

Tags: ,

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

Leave a Reply